It is currently Sat Oct 24, 2020 3:11 am    

*

Romance Scam

Please report romance scams and dating scams here. We accept reports on Russian scammers and Nigerian scammers.

Disclaimer regarding pictures posted on the board: please understand that you are NOT looking at the pictures of people who are actually scamming you. The people portrayed on these photos are innocent men and women, NOT involved in scamming in any way and have nothing to do with scammers. The scammers are using their images without their knowledge or permission to deceive their victims and steal their money.



Join our SCAM FREE DATING SITE
Readnotify - trace your emails, get IPs
RESEARCH SCAMMERS BY NAME
Forum rules:

** PLEASE READ BEFORE POSTING!

RESEARCH SCAMMERS BY EMAIL

FAQ in Tagalog

Information about scams in different languages
User avatar
FrumpyBB
Site Admin
Posts: 63198
Joined: Sun Apr 06, 2008 7:35 pm
Location: Central Europe


Bookmark and Share

FAQ in Tagalog

Postby FrumpyBB » Thu Apr 05, 2012 4:26 am

FAQ in Tagalog (Mga Kadalasang Tanong)

Malugod na pagtanggap sa forum ng romancescam.com. Naiintindihan namin na malamang ay nais nyo nang ilathala kaagad ang detalye ng scammer na nais ninyong isumbong, subalit bago ninyo gawin ito ay pag-ukulan muna ng panahon na basahin ang thread at tingnan ang mga link na inilaan. Ang mga ito ay klarong magpapaliwanag kung paano ilathala ang inyong sumbong o ulat sa pinaka episyente na paraan at masigurong ang inyong ulat o sumbong ay naglalaman ng lahat na mahahalagang impormasyon upang makatulong na hadlangan na mawalan ng pera ang ibang tao o biktima sa parehong scammer. Ang mga thread ay maikli lamang at hindi matagal basahin.
Gayunman bago gawin natin iyan, daanan muna natin ang ilang mga pangunahin at mahahalagang mga bagay.
Ang pinakauna at pinakamahalagang hakbang ay putulin kaagad ang lahat na pakikipag-ugnayan sa inyong scammer. Ang patuloy na pakikipag-ugnayan o kumunikasyon sa kanila ay magpapahaba lamang ng iyong sakit o pinsala at maaring sa hindi sinasadyang paraan ay makatulong pa sa scammer na mas lalong maging episyente.
Kung ang iyong username ay ang iyong totoong pangalan/email/IM name, i-kontak si Marisa at pakiusapan siyang baguhin ito. Ayaw naming magkaproblema kayo dahil nilagay mo dito ang totoo mong detalye. At palaging siguraduhin na tinanggal mo ang mga detalye na nag-uugnay sa iyong totoong katauhan sa lahat ng iyong ulat tungkol sa mga scammer.
Kami ay may pamamaraan upang mapigilin na maka-access (makapasok) ang mga scammer sa site na ito. Makakabasa lamang sila ng konting parte ng pinapakita ng search engines sa kanilang prebiyu, ngunit iyon lamang. Iyong makapasok ay kaagad na namamataan at mabilis na matanggal. Iyong mabilis na naka-post ay kaagad na mamataan at mailipat sa thread ng “mugu says” upang pagtawanan at i-ban. Mapapansin mong konting-konti lamang ang spam dito. Ito ay dahil sa hadlang na aming nilagay. Ang aming Pending Section ay nakatago sa mga search engine kaya iyong hindi 100% na napatunayan na scammer ay nakalagay lamang ang detalye sa seksyon na ito at hindi makikita sa mga search engine.
Nakakatukso man, huwag mong sabihin sa mga scammer na naka-post sila dito. Kung malalaman ng scammer na ang kanyang detalye ay nandito, maaring baguhin niya ang kanyang pangalan/email address/mga ninakaw na larawan at ang ulat tungkol sa ganung scammer ay wala ng kabuluhan. HUWAG SABIHIN SA SCAMMER NA NAKAULAT SIYA DITO SA SITE! Kung gawin mo iyon, ang iyong account ay masasara.
Pagkatiwalaan kung ano ang mga sinasabi ng mga moderator. May mga magandang dahilan kung bakit sila naging mga moderator. Sila ay napili ayon sa kanilang kaalaman kung paano magtrabaho ang mga scammer, kanilang karanasan sa mga scammer o iyong mga na scam at ang kanilang kahandaang tumulong sa iba. Anumang sinasabi sa thread, palaging pagkatiwalaan na ang mga sinasabi ng mga moderator ang totoo. Alam namin ang aming sinasabi at meron na kaming sobrang tatlumpong taon na karanasan sa pakikitungo sa mga scammer.
Huwag paniwalaan ang anumang sinasabi ng mga scammer. Maari nilang ipalabas na ang taong nasa larawan na ninakaw ay iyong nasa webcam.
Dapat tandaan na sa pagiging myembro sa forum na ito, sumang-ayon kayo sa mga patakaran at alituntunin dito. Ang sinumang paulit-ulit na lumabag ay masasara ang kanilang account na walang babala mula sa staff.
Kung ang site na ito ay nakatulong sa inyo na hindi mawalan ng pera sa scammer, at kung sa inyong kagustuhan ay maari kayong maging sponsor sa halagang $5 kada buwan. Maari kayong maging sponsor sa pag-click sa link sa bawat dulo ng kada pahina.

Nagayon sa FAQ.
“MAY MGA PARAAN BA NA MAARESTO ANG SCAMMER?”
Ito ay malabo. Sila ay nag-ooperate sa mga internet café, gumagamit ng mga peke na katauhan at hindi kilalang mga numero ng telepono. Katulad ng lahat ng mga kriminal sa online, sila ay magaling magtago at naninirahan sila sa mga corrupt na lipunan. Pwede at nararapt kang mag-file ng police report pero ang mga lokal na pulis ay walang hurisdiksyon sa ibang kontinente.

"PAANO KO MAHAHANAP ANG TOTOONG TAO O MAY-ARI NG MGA LARAWAN AT PAANO IPAGPA-ALAM SA KANYA NA GINAGAMIT NG MGA SCAMMER ANG KANYANG MGA LARAWAN?"
Liban nalang kung ang totoong detalye ay lilitaw sa paglagay ng lawaran sa Tinye, o nandito na sa forum, walang anumang paraan na mahahanap sila. Kahit na mahanap mo ang sinuman na gumagamit ng mga larawan, maaring sila din ay ibang scammer na gumamit ng parehong ninanakaw na mga larawan.

"MABABAWI KO PA BA ANG AKING PERA?"

Ang mga cash wire transfers ay hindi na kailanman mababawi kaya ito ang dahilan kung bakit ito ang ginagamit ng mga scammer. Ito any maaring makuha o ma-pick up sa anumang outlet sa kahit anong parte sa buong mundo kung saan sinasabi ng scammer na nasaan sila.
"MAY NAG-EMAIL SA AKIN NA MAARI KONG MABAWI ANG AKING PERA."
Iyan ang tinatawag na recovery scam. Ito ang huling paraan ng scammer na makakuka pa ng pera sa iyo. Huwag maniwala dito.

"TULONG! ANG AKING SCAMMER AY BINABANTAAN AKO AT ANG AKING PAMILYA!"
Kung nalaman ng scammer na naka-post siya dito, gagawin niya ang lahat upang matanggal ang post ukol sa kanya. Ang lahat ng pananakot niya ay walang laman. Hindi ka niya hahanapin. Hindi rin siya pupunta sa iyong bansa at hinding hindi niya iiwan ang kaligtasan ng kanyang internet café. Maaring tatawagan ka niya ng paulit-ulit upang manakot pero kung mapagtanto niya na walang siyang mapapala, siya din ay susuko at hahanap na lang ng ibang maging biktima.
"DAPAT KO BA SIYANG ISUMBONG UPANG ANG KANYANG PROFILE AT EMAIL-ADDRESS AY MASARA?"

Huwag ka na lang mag-abala. Gagawa rin siya ng bagong profile na hindi makikita sa Google hanggang meron na namang magsumbong. Gusto mo bang maging walang kabuluhan ang iyong post sa ganitong pamamaraan?
"PAANO KO I-POST ANG ISANG SCAMMER SA INYONG BOARD?"
1. Pumunta ka sa angkop na seksiyon na naaayon sa larawan na ginamit at lokasyon na kaniyang sinasabi. (White Females, Black Females, White Males, Black Males).
2. Magsimula ng bagong thread.
3. I-post ang impormasyon ng iyong scammer, siguradohin na tinanggal mo ang iyong detalye na magpapakilanlan sa iyong tunay na pagkatao. Ilagay ang lahat na impormasyon na alam mo. Huwag lamang ang larawan at emal address, isali rin ang pangalan, larawan ("add image to link" option), numero ng telepono na ginamit, detalye sa Western Union, mga unang emails at kung possible ang email headers. Tingnan ang link sa ibaba para sa impormasyon kung paano hanapin ang mga email header: viewtopic.php?f=74&t=10910
Kung meron ng thread kasama ang larawan ng iyong scammer at alam mo kung saan ito, doon mo na ilagay ang iyong ulat at huwag ng gumawa ng bagong thread.

"ANO ANG ISASAMA KO SA AKING REPORT?"

Hangga’t maraming detalye na possible mo ilagay. Saan mo siya nakilala, kung saang lugar siyang galing ayon sa kanya, mga email address, mga email header, larawan, mga numero ng telepono, kopya ng emails/IMs para sa iyo, mga kahilingan ng pera, lahat-lahat. Basta lamang alisin mo ang detalye ng iyong sarili upang maiwasan ng guluhin ka ng galit na scammer. Kung maraming impormasyon ang nilagay mo, mas malaki ang posibilidad na Makita ito ng ibang biktima at mapigilan na hindi na sila maperahan. Kung hindi ka sigurado, i-post mo ang iyong tanong sa Pending Section.

"PAANO KO I-POST ANG MGA LARAWAN?"

Ang video sa http://www.youtube.com/watch?v=BoUe6-sB1do" onclick="window.open(this.href);return false; ang magtuturo kung paano i-PM (pribado na mensahe) ang isang tao at paano ilagay ang larawan sa PM at post.

"ANONG MGA LARAWAN ANG PINAPAHINTULUTANG MAARING ILAGAY?"

Mga ganap na nakadamit na larawan lamang. Hindi pwede ang nakahubad, damit na panloob lamang o bikini shorts. Ito ay magpapangalaga sa kinabukasan ng site na ito. Iyong mga patuloy na lumalabag sa patakaran na ito ay isasara ang kanilang account.

"BAKIT NILIPAT O INALIS ANG AKING POST?"
Bihirang bihira lamang kaming umaalis ng post. Kadalasan ay nililipat o pinagsama-sama lamang namin. Kadalasan ay dahil ito ay sa mali na seksiyon o sinama sa thread na gumagamit ng parehong larawan o kelangan pa namin ng sapat na impormasyon kaya inilipat sa Pending Section. Ginu-grupo naming ang mga scammer ayon sa mga larawan na ginamit, kung nilagay mo ang iyong post sa thread ng scammer na mayroong parehong pangalan o sulat, pero ibang larawan, ito ay ililipat namin. Ang mga post na amin inaalis ay iyon lamang sa mga scammer o spammer. Ibina-ban din namin sila dito.
"BAKIT HINDI KO MA-EDIT ANG AKING MGA POST?"
Ito ay dahil marami ding natatakot o napapakiusapan ng kanilang scammer na tanggalin ang kanilang post. Kung ang thread ay wala sa Pending Section, ang staff ng forum na ito (na may sobrang 30 taon ng karanasan sa mga sa mga scammer) ay naniniwalang walang duda na ang thread ay tungkol talaga sa scammer at hindi sa inosenteng tao. Alam na namin ang mga paglilinlang na ito at hindi na kami maloloko.
"ANO ANG MGA PATAKARAN NINYO SA PAG-POST NG MGA LARAWAN HINGGIL SA KALASWAAN?"
Sa pagsisikap naming gawing ligtas, pampamilya at sumusunod sa polisiya ng mga advertiser ang site na ito, mayroon kaming importanteng patakaran tungkol sa laman, mga larawan at mga link.
Maliban sa mga larawan at mga video na nakahubad, ito pa ang ibang halimbawa na hindi maaring tanggapin:
Malalaswa na larawan
Malapitang kuha ng dibdib, puwit at pudya
Bastos na mga pananalita kasali ang sa chat
Sekswal na mga sulat para at galing sa scammer.

Ito ang mga importante na link:

HOW TO USE THE BOARD

GUIDELINES FOR POSTING RUSSIAN SCAMMERS

GUIDELINES FOR POSTING NIGERIAN SCAMMERS

MILITARY SCAMS

FINDING THE EMAIL HEADERS

WHAT PARTS OF THE HEADERS NEED TO BE POSTED
FIND OUT MORE ABOUT OUR EBOOKS, INCLUDING A FREE ONE ENTITLED "THE SCAM SURVIVORS' HANDBOOK

“ANO ANG DAPAT KONG GAWIN NGAYON?”
Ang pinakauna at pinaka-importanteng bagay na dapat mo gawin ay putulin ang lahat na kumuniksyon o pakikipag-ugnayan sa iyong scammer. Alam namin na umaasa ka pang mabawi ang iyong pera (pero ito ay napaka-imposible) at alam naming ikaw ay galit na galit ng malamang magagawa ito ng anumang tao, alam naming gusto mo siyang maparusahan, alam naming gusto mong maghiganti, pero dapat at importanteng putulin mo ang lahat na kumunikasyon sa kanya. Huwag mong sagutin ang kaniyang mga email. Huwag sagutin ang kanyang mga tawag, huwag sagutin ang lahat na private o unknown callers kahit hanggang anim na buwan at kung aksidente na masagot mo ang tawag, ito ay i-disconnect. Siya ay i-block sa Yahoo chat at huwag tumanggap ng bagong imbitasyon sa chat sa mga taong hindi mo kilala. Ito lamang ang paraan.
At ang huli at parehong importante bagay ay DAPAT mo siyang i-report. Ilagay ang kanyang detalye sa nararapat na forum – kasali ang mga larawan. Ilagay ang lahat na alam mo upang ito ay ma Google at ma-search. Huwag kang mag-alala na malaman ito ng iyong scammer. Ang mga scammer ay hindi madaling maka-access sa site na ito. Malaki ang tyansa na hindi niya malalaman ito, Kaya i-report mo na siya ngayon!

[Thanks a lot to Tomi for this work!]
Please try your best to block ALL your scammer´s still incoming messages and calls!

What is all this? => The FAQ

The scammers vs. Why is "he" still doing it?

Why is alerting the man in the pictures DANGEROUS?

Please click why confronting my scammer is terribly wrong :)

FAQ in Tagalog

Sponsor

verispy.com
Sponsor
 

Return to “Information about scams in different languages”

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest

cron